Back at Square One


I've been thinking for the past few days.. Sayang kasi ang pagkakataon, matagal-tagal ko na rin kasing naiisip ito.. Siguro dream na rin, gusto ko rin kasing ilevel-up ang sarili ko.

Ano nga ba naman ang dalawa pang taon ng pag-aaral ulit. Never pa naman akong pinahiya ng utak ko, so wala akong dapat ikatakot na bumagsak. Socially, wala naman akong dahilan para mahiya. Sa ilang taon kong pagtratrabaho, natutunan ko na kung paano ang tamang paggamit sa salitang 'kapal ng mukha'. Financially, madali naman gawan ng paraan yun, kaya nga may tinatawag na scholarship di ba..

Pero, hindi lang naman pera at utak ang sukatan. Muli ay natakot ako.. natalo na naman ako ng tanikalang bitbit ko. Sayang...

Sayang, kung nagawan sana nya ng paraan -- Kung di nya ko iniwan sa ere -- Kung di sana sya sumuko. Akala ko sya na ang makakatulong sa akin. I guess I was wrong to believe na matutulungan nya ko.

Eto ako ngayon, muli ay bumibitiw sa pangarap ko. Takot na isugal ang kung anong meron ako para sa bagay na gusto ko. Para sa iba madali lang siguro ang magsabi ng 'take the risk' -- risk taker din naman ako e, pero kung buhay at kamatayan ang nakalatag sa'yo, madalian ka kaya...

Tonight I gave up --'til the next time comes.. :-(

3 comments:

  1. awh. d ko maxado naiintindihan pero sayang naman ang chance..
    pero nga naman, madali lng sabihin na "GO!" dahil d nga naman kami ang involved.

    ReplyDelete
  2. ano daw sabe ng post mo? Naguluhan ako. Nagsimula sa pag-aaral uli tas biglang napunta sa malamakata mong tanikala... kala ko talangka :)))) Anyhoo, oks lang yan AJ :D

    ReplyDelete
  3. connect the dots para malinawan ka.. hehehe..

    ReplyDelete