Groupmates (August 06, 2012)

Birthday ng friend ko ngayon, naisipan kong magpost. Naalala ko rin kasi ang sabi ni Larae sa YM, magteten years na kami magkakakilala.. actually 9 pa lang naman -- going ten :p

At dahil jan, naisipan kong ipakilala sa inyo ang mga taong naging kasama ko sa puyatan at pagod during every projects namin nung college....

Ken

Special Ability: Maggawa ng documentation
Addiction: Kumain ng street foods

Sa Programming Language ko sya una naging ka-buddy. Ang natapat sa amin noon ay Visual Basic .NET, aaminin ko, gang ngayon di ko pa rin gets ang .NET kahit kami ang nagreport (hehehe). Simula noong maging magkagrupo kami doon ay naging magkasundo na kami ng sobra-sobra, kahit na sabihin na nating di kami madalas nag-uusap or nagkikita right after graduation ay nag-eenjoy pa rin kami sa mga biglaang kamustahan over the instant messenger. Sya kasi palagi ang kagroupmate ko kaya siguro ok na ok ang tandem namin..

Sya ang madalas na natotoka sa documentation, kaya masasabi kong isa syang asset sa mga group works lalo na kung kasing tamad mo ako na humawak ng paperworks. Madalas na sya rin ang may hawak ng budget namin kaya malaki ang tiwala ko sa taong ito. Isa sa pinakanakaka-aliw sa kanya noon ay ang lagi nyang pagcocompute ng baon nya, madalas kasi ay nagtataka sya kung bakit sya nauubusan ng pera.. sa bandang huli ay maiisip nya na epekto ito ng manaka-naka nyang pagstop over sa mga street foods. Bukod sa pagiging docu master at budget holder, isa rin syang magaling na eventologist (term coined by Tim Yap). Madalas ay sya ang naghahanda ng  itinerary ng mga lakad at gala.

Ngayon, bibihira na lang kami mag-usap. Four years na ata kaming di nagkikita personally hehehe.. pero di naman ibig sabihin nun ay kalimutan na, kahit paano ay may mga oras na nagdadaldalan pa rin kami sa Yahoo Messenger.. at madalas ay nagkwekwentuhan lang kami tungkol sa mga buhay-buhay ng iba naming kamag-aral... :p

Lala

Special Ability: Mang-okray ng project
Addiction: Accessory sa buhok (noon) at mangolekta ng BJD or ball-jointed dolls (ngayon)

Si Lala ay naging kagrupo ko noon sa Logic class kasabay ni Larae. Sya rin ang naging ka-buddy ko sa EMags (nakalimutan ko meaning nito, basta ito ay tungkol sa magnetism). Nung una naartehan ako sa kanya, pero later on ay nakagaanan ko sya ng loob lalo na during our PolSci class kung saan ay magkakatabi kami noon sa likuran. Napansin ko kasi na parehas lang kami na maarte kaya madali ko sya nakasundo. Madalas ay kasabay ko sya umuwi, parehas lang kasi ang way namin. Isa sya sa pinaka naging ka-close noon. Marami-rami rin kaming pinagsamahan ng babaeng ito na sa sobrang dami ay di ko na ikwekwento dahil hahaba ang post na ito.

Special ability nya ang mang-okray ng project -- or should I say isa syang magaling na critic. Dahil dito sa skill na ito, ay napaghahandaan namin ang mga defense namin. Kasi daig pa namin ang nagdefense pag sya ang pumansin sa project. In short, sya ang QA namin sa project at docu. Kasama rin sya madalas ni Ken sa mga paperworks.

Ngayon, ang alam ko ay naadik sya sa mga mamahaling manikang pangkulam or ball jointed dolls na presyong ginto talaga. The last time I checked, 4 to 5 digits ang presyo nito sa market. Dahil jan, masasabi ko na sya ang pinakamayaman sa aming magkakagrupo :p


Larae

Special Ability: Magaling na Frontman sa defense
Addiction: Sapatos

Si Larae ang ate ng grupo. Tinagurian din syang Judy Blingbling dahil sa di ko maalalang dahilan. Madalas ay sa bahay nila kami gumagawa kaya di nakakapagtakang ang mga kapatid at mgulang niya ay nagiging instant naming mga kagrupo...

Best kagroup din ito si Larae lalo na sa defense. Madalas kasi ay sya ang front namin sa defense.. at kaming tatlo nila Ken at Lala ang supporters sa likod. Ang maganda sa kanya eh, ifee-feed mo lang ang lahat ng info at sya ng bahalang magdala sa group during the defense. Though madalas ang defense namin ay "parang wala" lang. Usually para lang kaming nakikipagkwentuhan sa mga prof rather than nagdedefense ng project eh. Other than sa defense, maasahan din si Larae bilang "all-around-girl"... pwede syang taga-develop ng PCB, taga-type pagtinatamad magtype ang programmer.. taga-bili sa Raon pag wala si Kuya Anver... atbp.

Ngayon, asa Malaysia (truly Asia) na sya at doon nagtratrabaho. Madalas ay nakikipag-daldalan pa rin ako sa kanya during office hours especially kung may ipapacorrect ako sa kanyang grammar sa sentence ko. :p

Marse

Special Ability: Tagagawa ng docu and taga-research
Addiction: Lalaki (joke!)

Naging kagrupo ko sya sa thesis namin noon. Most unforgetable experience ko with her is nung magbrainstorm kami ng ipapasang proposal. Nangyari kasi iyon ng December 25. So sa halip magpakasaya kami dahil pasko ay naisipan na lang naming gumawa ng proposal na ipapasa kinabukasan. Since magkachat lang kami nag-uusap, hindi nya alam na hindi ako nagreresearch about sa project, rather, nagsta-stalk ako ng mga friends ko sa Friendster that time. Bukod dun, isa pang naalala ko sa kanya ay ang madalas rin nyang kasama si "Superman" pag may over night kami. Minsan naiisip ko na parang kagrupo na rin namin sya.. LOL

Alam ni Marse lahat ng hirap na pinagdaanan namin during the thesis making. Lahat ng puyat at pagod - kasama ko sya dun. Alam din nya lahat ng kadayaan na ginawa namin sa mga project namin.. hehehe.. buti na lang at kapwa kami magagaling magdefense ng mga kasama ko at di nila yun nahalata...

Right now, nagtratrabaho sya sa isang company sa Mandaluyong na nagrerender ng web services.


Anver

Special Ability: Boy Runner
Addiction: ~

Naging kagrupo ko si Kuya Anver sa Logic ( part 2 -- di ko maalala exact name ng subject, basta parang part 2 ng switching and logic design yun :p ). Naging kagrupo ko rin sya sa thesis namin with Marse. Ang tangi ko lang masasabi kay Kuya Ver ay, makulit sya at masaya kagrupo.. walang dull moments... hahahah

Si Kuya Anver ang runner namin pag may ipapabili sa Raon or sa Gizmo before. Walang issue sa kanya yun at di sya nagrereklamo. Nga lang, madalas pag-over night ay umuuwi sya. Bumabalik na lang sya bago mag umaga. Reason is, tumutulong sya sa business nila sa house :)

Di ko na nakakausap si Kuya Anver kaya di ako sure kung ano na latest sa kanya. Ang alam ko lang ay nipursue nya ang pagiging guitarist nya sa banda nila nung college at ngayon ay tuloy pa rin sila sa pagtugtog.. ever heard of Ginoong Vitalis group?

Bryan

Special Ability: Boy Resources
Addiction: Umabsent

One sem after namin naging kagrupo si Kuya Anver sa Logic 2 ay napasama na rin sa grupo namin si Bryan na mas trip ko tawagin sa surname nyang Adao. Wala ako masyadong masabi sa kanya maliban sa madalas namin syang pagkatuwaan at asarin ni Ken..hahahah.. Madalas din kasi sya na MIA kaya wala ako masabi ng marami sa kanya.. hehehe

Pero kahit MIA sya madalas ay di pa rin matatawaran ang pagiging boy resources nya. Sya ang takbuhan ng grupo pag kailangan namin ng mga hardware na gagamitin sa project. Tulad na lang router or modem ata yun na ginamit namin sa Networking class.

Sa ngayon, di ko alam kung ano nangyari sa taong ito. The last time we talked ay may pinapatest sya sa akin na server related issue sa work nya. Pero that was 3 years ago pa ata.. :p

So ayan lahat ng mga kagroup mates ko nung college. Bawat isa sa amin ay may task na naka-assign kaya di mapagkakailang best group kami lagi.. hehehe.. At kahit na iba-iba ang trip namin, nagkakaisa kami sa layunin namin sa mga projects -- yun ay ang makatipid ng malaki... oo may pagkakuripot kaming lahat nung students pa kami.. ngayon ako na lang ata ang kuripot.. hahahaha. At least lahat na kami ngayon ay mga professionals sa kanya-kanya naming trip sa buhay ^^,

hehehe.. how i miss this time... :)

2 comments:

  1. Naappreciate ko tong post nato. Im sure kung makikita to ng mga kaibigan mo, magugustuhan mo rin.

    ReplyDelete