Day 389 091411 ~ Sending My Blog to Heaven

Supposedly, I would like to share some happy thoughts today, but I just thought this morning that it would be better to stay away from my usual few liner quotes because today is something special.



This morning my mom asks me something, "Hulaan mo kung sinong may birthday ngayon". Being a person who hates memorizing dates, I told her that I don't know. Then she told me that it was my Lola Lilia's birthday, my dad's mom. For some reason, I felt weird during that moment.

My lola died when I was still a baby, probably a year or a few months old. I actually can't remember her face nor any moments with her. According to my mom, ako yung huling apo nyang inabutan.

The weird thing is, kahit di ko alam ang birthday nya, taun-taon, sa tuwing dadating ang araw na ito ay nagtatanong na ko kay mama kung anong meron. In short, alam ko na may mangyayari. So paano ko nalalaman na magbibirthday na si lola kahit di ko alam kung kelan birthday nya? Simple lang, nararamdaman ko. At tanga na kung tanga, pero di ko talaga alam kung kelan birthday nya kahit every year ako nagtatanong.

Every time na dadating ang araw na ito, napapanaginipan ko si lola. Last year, naalala ko na sa panaginip ko ay naghihintay si lola sa ibaba ng hagdanan. Yung bahay namin doon ay yung second floor lang (hindi po nakalutang bahay namin, ibang tao lang yung nasa first floor), in short yun yung bahay namin noon. Pagbaba ko sa hagdan ay niyakap nya ako ng mahigpit, yung sobrang higpit. Habang yakap nya ko, sinasabi nya sa akin ang salitang "Bunso". Nang ikwento ko ito kay mama nung umaga, sinabi nya sa akin na malapit na kasi birthday ng lola mo kaya ganun. Ang nakakapagtaka ay taun-taon ito nangyayari pero iba-ibang dream nga lang, maliban ngayong taon na ito.

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil hindi na ako nakakapanaginip ng mga kakaibang bagay lately. Marami kasi akong napapanaginipang noon about dead people other than my lola, weird is yung iba sa kanila eh malayong kamag-anak or ibang tao na di ko kilala, dinedescribe ko lang kay mama at papakitaan nya ako ng picture at icoconfirm ko na yun nga yung tao sa panaginip ko. Ang weird ko no? Kaya nga di ko alam kung matutuwa ako dahil di na nangyayari yun or malulungkot ako kasi... kasi.. kasi trip ko lang..

Sa makakabasa nito, sinasabi ko na sa'yo ngayon pa lang na hindi ako sira ulo nor baliw. Sadyang nangyayari lang ang mga ito at hindi ko ma-explain kung bakit, at wala rin akong planong alamin. So sa pagtatapos ng sulat na ito, nais ko lang iparating sa lola ko ang salitang:

Happy Birthday Lola! :)


Image by Davichi

8 comments:

  1. shet u c dead people in ur wet drimz whahahaha

    ReplyDelete
  2. happy birthday kay lola sa heaven!!

    ReplyDelete
  3. pwede na ko rumaket kapag di na ko programmer... psychic na ko friend! hahaha

    ReplyDelete
  4. bigla ko naalala, hindi lang pala patay nakikita ko sa dreams ko.. pati mga taong nawawala.. :p

    ReplyDelete
  5. Kapag siguro nagpakita sa 'kin ang lola ko, matatakot ako. Hahaha!

    ReplyDelete
  6. hello sir gasul! :)

    actually po nung huling dinalaw nya ko sa dream ko.. nasakal ako sa hug nya eh.. ayun naging parang bangungot.. hehehe

    ReplyDelete
  7. mitchlists.blogspot.comSeptember 15, 2011 at 11:56 PM

    Oh..creepy ha. pero okay yan! hehe..kakagaling lang namin province to celeb death anniv ng lola namin..buti naman in one yr never pa siya nagpakita in my dreams...hehe

    ReplyDelete