STRESSED OUT (October 04, 2011)

Bakit ako nagpopost bigla? Kasi naiiyak na ko sa sobrang stress. Gusto ko masuka, mahilo, himatayin, tumalon sa building at... pumanik uli sa building para tumalon uli (repeat until kaya pa).

OO na halu-halo ang nararamdaman ko... Kung sana may mag-eemail lang sa akin ng kailangan ko baka sakaling gumaan pa loob ko. Hindi ko alam kung tama ang desisyon ko kagabi, pero sobrang bangag na ko para makapag-isip ng tama -- masisisi mo ba ko?



Hindi ko alam kung kanino ako hihingi ng tulong or sinong santo ang kailangan kong alayan para lang mawala ang bumabagabag sa isip ko. Eto ang hirap ng 'hindi bobo', lahat ng bagay iniisip mo. Para kang inalisan ng karapatan na gumawa ng kapalpakan, kasi nga "hindi ka bobo" di ba. (Hindi ko sinasabing matalino ako.. ang sabi ko hindi ako bobo...)

Sana lang may maka-usap akong handang unawain lahat ng sasabihin ko. Yung tipong he or she can guide me to what I can do next and tell me that everything will be ok.. Di effective yung 'mothers knows best' kagabi eh....

Kasi sa totoo lang, pakiramdam ko eh gagawin ko na namang trapo ang image ko para masolusyunan ang problema ko... haay

4 comments:

  1. naku sori aroni deads n ko pguwi ko knina sa bhay ngaun ko lng nkta un msg mo s ym

    ReplyDelete
  2. thanks mitch! ok na ko.. minsan talaga kailangan mo rin ng stress to prove na buhay ka pa... :)

    ReplyDelete
  3. In case this happens to you again, I am willing to listen. Baka makatulong din ako

    ReplyDelete
  4. welcome here.. thanks! I appreciate the help :D

    ReplyDelete