Pinoy Big Brother Housemates: Claire and Clodet (IMO)

NOTE: Kung ikaw ay maarte at ayaw na nakakabasa ng maaanghang na salita, mas maigi kung umalis ka na. Isa pa, ang article na ito ay pawang OPINYON ng may akda at kung di mo alam ang meaning ng freedom of speech, dalawa lang ang suggestion ko: gumawa ka ng sarili mong blog at dun ka magreklamo or pwede mo rin i-close ang tab na ito. Salamat!

Pinoy Big Brother Season 4 - Teen Edition

Ok fine, di ko na mapigilan ang di magreact sa mga napapanood ko lately. Last season ng Pinoy Big Brother (yung Unlimited) ay di ako nakapagpost dahil sa sobrang busy ko kahit na karamihan ng mga ibang bloggers ay nagkapagblog na ng kani-kanilang reaction. Pano di ka magrereact sa mga pinaggagawa sa mga housemate sa loob di ba? Gaya ng sabi ng tatay ko na loyal Kapuso, "scripted naman yan eh", well maybe.. scripted would not be the perfect word, siguro "MANIPULATED" pwede pa, minamanipulate ang mga housemate parang gawing tanga at sabihin sa mga manood na heto ang realidad ng buhay -- sa totoong buhay ba ay may taong nag-uutos sayo or umiimpluwensya sa free will mo? Opo, di mo man macontrol ang free will, pwede mo naman ito maimpluwensyahan.

Anyway, since tapos na ang season na yun.. iwan na natin ang usaping ito. Hindi naman kasi yun ang kinaiinis ko lately.

Sa bagong teen edition ng PBB, may mga bwisit na housemates. Yun bang mga tipong masarap sunugin ng buhay habang pinapakain sa buwaya! Laki ako sa dekada nobenta at kahit paano masasabi ko na maayos ang pagpapalaki sa amin nung panahon yun. Pero kakaiba ang pinapakita ng mga bata sa bagong henerasyon ngayon.. masyado silang malalandi at mahaharot!!! (Pasensya na sa terms ko, kahit sinabihan ako ng nanay ko na masama tawagin ang babae na malandi, wala lang talaga akong maisip na term na aakma sa kanila)

Claire PBBUunahin ko na ang pinaka-kinaiinisan kong housemate, yung mala-higad sa kating babae na taga-Makati daw (kaya siguro makati *joke*) -- walang iba kundi si Claire Bercero. Hindi ko alam kung san nakuha ng 17-year old na malanding ito ang ugali nya. Napaka-arogante, maarte at masyadong feelingera. Hindi ko alam kung di lang ako sanay sa mga ganung klaseng tao, pero sobra sya eh. Napag-hahalataan tuloy na walang breeding... well, di porket taga-Makati ka ay social ka na nu?! Biruin mo, ilang araw pa lang sya sa bahay ay feeling nya lahat na ng tao sa kanya naakit...

para sayo ba ginawa ang kantang Silver Toes ng Parokya?
♫ "Miss, miss pakitigil lang please -- ang iyong pagpapantansya! di ka na nakakatuwa!" ♫

Kagabi lang ay pinalabas sa TV kung paano nya i-confront ang cosplayer na si Myrtle. Isa lang nasabi ko, laking kalye talaga ang babaeng ito. Ngayon lang ako nakarinig na na-inlove within 2 weeks.. at kung saka-sakaling mangyari man yun ( malay ko ba sa power of love :p ), ano naman paki nya kung landiin ng taong gusto nya ang iba? SILA BA?? Nakakabwisit lang. hahahah

Clodet PBBSusunod ko ang isa pang housemate na si Clodet Loreto - ang babaeng maraming quotable quotes! Ang latest nyang pinauso ay ang "YOU DOESN'T DESERVE MY LOVE!". Yup, yan nga ang sinabi nya, walang typo error.

Pero hindi yun ang issue, kasi para sa akin ok lang yun (IMHO), ako rin naman di magaling sa grammar eh yet pinagtatawanan ko lang. Ang ayoko lang sa kanya ay magkasing-ugali sila ni Claire. Ang pinagkaiba lang ay "paawa effect" yung makati at sya naman ay aggressive. Madalas ko nakikita ang mga tipo ni Clodet sa mga lansangan (hindi yung pulubi ah) na nakikipag-umpukan with other girls habang hawak ang cellphones nila at pare-pareho silang nakasuot ng ultra mega hyper micro mini shorts (pek2 shorts ata tawag dun) kahit di kagandahan ang legs. Sila ang mga naging resulta ng jejemon na napaamo. Sila ang mga tipo na dinescribe ni Master Bob Ong na Spice Girls. OO! ganun tingin ko kay Clodet, may reklamo ka?

Unang kita ko pa lang kay Clodet ay nainis na ako, tama ba kasing ipangalandakan mo sa ibang tao kung sino ka? na laking kalye ka at squatter ka at alam mo ang pasikot-sikot ng mundo.. iha, ilang taon ka pa lang ba!!? Ewan ko ah, pero para sa akin di yun ang tipo ng ikinikwento sa mga taong ngayon mo lang nakikilala lalo na kung hindi ka naman tinatanong..

Ayun lang po, actually ok naman yung ibang housemate kahit na may kanya-kanyang attitude tulad na lang ni Karen na masyadong bossy at madalas na nagmamarunong (yet ok pa rin sya). Nagkataon lang na sina Claire at Clodet ay sobrang nakapag-painis sa akin, kaya nga di ako nagtataka at may mga ilang nagsasabi na ang batch ng housemates na ito ang pinaka MALALANDI at MAHAHAROT!

P.S. Alam nyo ba na yung iba sa housemates ay magkakakilala sa outside world?? Yun isa rin sa kanila ay dating taga-Kapuso.. Try nyo isearch at makikilala nyo sila. Wala naman akong issue rito, except that parang di dapat ganun. Ok lang sana kung isang pares lang ang magkakilala tulad ng kambal or magkapatid eh, pero yung tatlo kayo, ibang usapan na ata yun -- para ka lang nagpasok ng magkakabarkada sa loob di ba? Ang tingin ko, naghahanap lang kasi ang network nila ng mga bagong teen talents, kasi karamihan sa talents nila ay napirate na ng singko. hehehe...

3 comments:

  1. omg! damang dama ko to! di ka nag-iisa, though di ko alam nangyayari sa PBB now, ung last PBBs ung tinira ko din dahil sa hindi makataong manipulasyon

    ReplyDelete
  2. hahaha.. well, kung gusto mo pa MAINIS ng sobra-sobra panoorin mo rin ang season na ito hehe

    ReplyDelete
  3. hahahah tama ka kuya. la na silang naiturong matino :))

    ReplyDelete