pakiramdam mo ay lutang.. wala sa sarili...
ok.. di ko alam kung bakit ako nagpopost na naman...
si Marse kasi eh, absent.. wala tuloy ako makausap...
si Axl tuloy kinukulit ko.. hahaha...
Anyway, di ko alam kung san galing ang lungkot na biglaang dumapo sa akin..
dala siguro ng antok.. at sakit sa ulo na dulot ng pinturang kanina pa sumisiksik sa ilong ko..
.....
Para kang pintura sa pader..
di matanggal..
di maalis..
masakit sa ulo..
pero aaminin ko..
ikaw ang nagbibigay ng kulay sa blankong pader na ito..
alam ko tulad ko'y sawa ka na..
wala ng pakialamanan..
sapat na ang minsan ay naging bahagi tayo ng ating mga nakaraan..
bahagi ng kahapon na dapat ng talikuran..
ayoko na rin naman eh..
sino bang may gusto matali sa kahapon..
sino bang ayaw lumaya..
pagod na rin ako..
at alam ko..
sa anggulong ito..
sa akin ang problema..
muli heto ako..
nagbabato sa hangin ng nais sabihin..
di ko alam kung san galing ang mga salita..
salitang biglang nalilikha sa isip ko..
batid na di na mababalik ang dati..
tuluyan ng nawala..
tuluyan ng naglaho..
parang bula na kailanman ay di na magbabalik..
At ang tanging naiwan..
ay bakas ng pintura sa basag na pader..
Emo..tero. I've learned such things like I was in your shoes. Full of emotions..May pinaghuhugutan lang..
ReplyDeletedi naman... adik lang.. hahaha
ReplyDelete