Ligaya sa Damuhan

Nakahiga si Ligaya sa damuhan, puno ng pawis at pagod ang hubad na katawan Heto sya ngayon at katabi ang taong lubos nyang hinahangaan, ang bayaning handa syang ipagtanggol, ang lalaking kanyang pinapangarap.

-----

Si Ligaya ay larawan ng isang mabuting anak. Ang kanyang ama ay magsasaka at ang kanyang ina ay tindera naman ng galunggong sa pamilihan. Nag-iisa syang anak kaya kahit papaano ay nagagawang pag-aralin ng kanyang mga magulang. Nasa kolehiyo na sya at isang taon na lang ay magtatapos na. Isa syang matalinong estudyante at madalas ay tambay ng silid-aklatan kung saan sya malimit na nagbabasa ng mga teksto at akdang pampanitikan.

Dahil sa angking katalinuhan ay malimit syang ipanlaban ng kanilang kagawaran sa mga paligsahan sa labas ng paaralan. Sa ganung eksena nya nakilala si Viktor. Tulad nya ay madalas rin itong lumahok sa mga paligsahan, minsan silang naging magkalaban at dahil dito kaya sila nagkakilanlan. Lubos na hinangaan ng binata si Ligaya, kaya di nakapagtatakang sinubukan nitong ligawan ang dalaga.

Ilang buwan din ang lumipas simula noon, madalas ay lumalabas sila para kumain o di kaya'y mamasyal. Malimit din itong bumibisita sa kanilang tahanan kaya nakagaanan na rin ng loob ng kangyang magulang ang binata. Mabait at magiliw si Viktor kaya hindi nakapagtatakang mahulog din ang loob ni Ligaya sa kanya. Subalit di nya magawang sagutin ang lalaki dahil nais nyang ituon ang atensyon sa pag-aaral. "Saka na lang pag-graduate ko", naisip ng dalaga. "Kung totoo nya akong mahal ay mahihintay nya ako at mauunawaan", dagdag nito. Marami syang pangarap sa sarili na singtayog ng saranggola ang lipad. Para sa kanya makapaghihintay ang pag-ibig, mahaba pa ang buhay -- nais pa nyang maging tanyag sa kanilang bayan.

Isang gabi, habang pauwi si Ligaya ay nakasalubong nya si Viktor sa daan. Nakainom ito at halos wala sa sarili. Halatang hinihintay sya nito sa daang yaon, iyon lang kasi ang tanging kalsada na maghahatid sa kanya sa kanilang bahay. Nakatitig ito sa kanya na parang isang masamang tao, kakaiba ang titig nito ngayon sa kanya - mas nakakakilabot at mas nakakatakot.

"Ligaya, ano ba ang kailangan ko gawin para sagutin mo ako?", sambit ng binata

"Vik, nakainom ka lang, mabuting umuwi ka na", sagot ni Ligaya.

Tila walang narinig ang binata at sa halip ay dinala sya nito sa madilim na parte ng damuhan. Pinilit nyang pumalag ngunit hindi nya magawa dahil mas malakas ito sa kanya.

"Kung di ka magiging akin ay wala ring makikinabang sa'yo", galit na sambit ni Viktor.

Noon din ay pilit syang inangkin ng lalaki at wala syang magawa kung hindi ang umiyak na lang. Ni sa hinuha nya ay di nya inakala na ang lalaking dating ubod ng bait ay parang sinaniban ng maligno at heto ngayo'y pinagsasamantalahan sya. Sa pilit na paggalaw ni Ligaya ay nakapa nya ang isang bato sa kanyang tabi. Inipon nya ang lakas at buong tibay nya itong ihinampas sa ulo ng binata.

Nakramdam ang binata ng pagdurugo sa kanyan ulunan at sa galit nito ay kinuha nya ang dalang punyal at pinagsasasaksak ang dalaga hanggang sa mawalan ng malay. Ngunit dahil na rin sa patuloy na pagdugo ng kanyang ulo ay tuluyan na rin syang nanghina at bumagsak sa tabi ng dalaga.

Makaraan ang ilang sandali ay tuluyan ng naging tahimik ang buong damuhan, tanging ang himig na lang ng mga kulisap ang maririnig.

-----

Nakahiga si Ligaya sa damuhan, puno ng pawis at pagod ang hubad na katawan. Heto sya ngayon at katabi ang taong lubos nyang hinahangaan, ang bayaning handa syang ipagtanggol ang lalaking kanyang pinapangarap.

Ngunit ang lalaking ito ang sya ring lalaki na sumira ng kanyang kinabukasan.




Lahok para sa "Bagsik ng Panitik" contest ng Damuhan

9 comments: