THIS IS A RE-POST FROM AJIBANDA.COM -- THE AUTHOR DECIDED TO TRANSFER THIS POST TO THIS BLOG.
ORIGINAL DATE: 09/29/10
Sadyang itinago ang mga pangalan ng sangkot para pangalagaan ang pangalan ng may akda... :D
Blue moon - ito ang tawag sa mga bagay na bihira lang na nangyayari. Ngunit para sa akin, may iba pa itong kahulugan. Nagsimula ito ng manalig ako na sana masilayan ko ang asul na buwan. Iba ang epekto nito, isang siglang walang mapaglagyan. Sa ngayon dalawa na lang kaming nananalig sa phenomena na ito at ang nakakagagalak nyan, habang sinusulat ko ito ay sinasamantala ko ang panandaliang pagliwang ng asul na buwan.
Parang kailan lang ng ako'y unang tumapak sa mundong ito. Tandang-tanda ko pa kung paano biglaang akong namulot ng pulang bato sa riles sa loob ng isang linggo upang gumawa ng mga kakaibang mundo sa blue nowhere (search mo sa net meaning nito). Matapos noon ay pumalaot na ako sa blue nowhere, sa totoong mundo na kasalukuyan kong kinalalagyan. Noon rin ay pinatulong ako na gumawa ng isang kakaibang mundo para sa mga estudyante gamit ang mga pulang bato sa riles. Ang masasabi ko lang, noon isa lamang Pangaea ang mundong yun, ngayon isa na itong mundo na maraming isla at namumuhay, at kasama na doon ang sangkatutak na peste(bugs).
Matapos noon ay isinabak nila ako sa Rebelde, sobra akong naculture shock sa kanya. Muli ay gumawa ako ng mundo sa blue nowhere para pagtambakan ng kanyang mga naipong armas sa loob ng 30 taon. (Hanggang ngayon ay sinasakal pa rin ako ng Rebeldeng ito)
Matapos noon ay nakidigma ako kay Godzilla (ang seatmate kong madalas natutulog ang nagbigay ng name na ito...) Mejo masakit sya sa ulo dahil kahit magkaiba ang oras sa lupaing aming ginagalawan ay nakukuha pa rin nya akong tawagan. Malupit nyan ay may kasamahan si Godzilla na isang halimaw na nanggaya pa ng pangalan. Sya si Aj, "bwisit sya!" yun lang ang masasabi ko sa kanya. Dahil sa kanya nasabi ko sa sarili ko na wag sya tatapak sa teritoryo ko dahil babalatan ko sya ng buhay..(totoong sinabi ko yun)
Sumunod naman ang green green grass world kung saan ako natuto ng isang bagong sports matapos nila ako papanoorin ng more or less 100 videos ukol sa sports na yun. Tapos ay pinaedit nila sa akin. Tapos madami pa sya pinagawa.. Pero dahil sa kanya natutunan ko gamitin ang isang bagong sandata.. ang GIMP. Astig!!!
Ngayon, heto ako.. kagagaling lang kanina sa pakikipagpagalingan.. para ito sa mundong ginagawa ko para sa rebelde. Sa totoo lang, masaya naman ang ginagawa ko eh.. enjoy ako sa paggawa ng mga mundo para sa asul na nowhere. Here is where I found my self a few years ago (magdrama?). Honestly, masarap nakakarinig ng papuri mula sa mga nakasalamuha mo, narinig ko na ang "You are a God sent to us" galing kay Godzilla, ang "I need you" mula sa Rebelde (kahit na gusto ko sya sagutin ng "I don't need you"). Narinig ko din ang "Excellent progress" mula kay Mr. H ng green green grass world. At kanina ang latest, "Very Good" sabi ng rosas(di ko alam exact name nya).. parang kinder lang ako na naghihintay ng Star sa kamay.
Di ko alam kung panu ko tatapusin itong akdang ito pero alam ko marami pa ako makakasalamuha.. sa ngayon, ihahanda ko muna ang mga armas ng rebelde.. kasi si Baltazar (naninirahan sa unang mundo ko na ginawa) ay nagsabi na bukas pa daw nya mabubuksan ang pinto para makapasok ako sa world nila.
UPDATE: Sa di makaunawa.. ang salitang blue moon ay ang salitang ginagamit namin ni Saykotika sa tuwing walang boss sa office. Ibig sabihin, bibihira lang ang pagkakataon na mangyari na ang lahat ng boss namin ay wala sa office.. meaning "when the cats are away, the mouse will play" ^_^
0 comments:
Post a Comment