Memories of the Full House - The Korean Soap Series

THIS IS A RE-POST FROM AJIBANDA.COM -- THE AUTHOR DECIDED TO TRANSFER THIS POST TO THIS BLOG.

ORIGINAL DATE: 03/21/10


Last Sunday, I saw Song Hye Kyo again on TV. I would admit that I really like her from the very start. I admired her at Full House. Then nung Monday, I watched Ninja Assasin, si Rain naman.. I can't help myself to reminisce tuloy.(Minsan lang ako mag-senti.. Sakyan mo na lang..)

I never imagined that its been years already ( well approximately..). Marami akong namimiss dahil sa Full House..

1) I missed the time when we watched Full House at Divisoria mall.

It was one of those little moments that is worth remembering. Imagine this, nasa mall kami, nanonood ng pirated DVD na sinample, eating hopia na ang pinambyad ay galing sa budget ng documentation committee..(bata pa lang kurakot na). Ito rin yng naging time para magawa nya ang speech nya for a certain subject. (Lahat yun ginawa namin for just an hour ata.. bata pa lang multitasking na!)

2) I missed the moments everytime I'll go home.

I would say that it took time for me para masanay ako na umuwi ng mag-isa. For three years ata (correct me if mali ako ng computation..:D), lagi akong may kasabay. Gabi man o araw, papunta sa isang lugar or pauwi, malayo o malapit. There was a time pa nga na binuwisit kami ng isang driver. Patayan daw ba kasi kami ng ilaw sa tapat ng City Hall then bigla syang baba na parang wala na syang pasahero. I don't know why, pero ngayon ko naisip.. sana nag-LRT na lang kami noon..hehe.

3) I missed our little conversations sa dining table

(Yun yung dining table na pinakamaraming beses ako kumain other sa bahay namin, ito yung may poster na fruits sa likod..you'll know that table kung nakakain ka na rin dun). We talked things from the most controversial up to those none sense issues (bata pa lang tsismoso na). Dito ko din natikman ang isang uri ng pansit na hinahanap ko pa rin ngayon kung ano tawag dun, that's why I called it korean pansit na lang(kasi di ko nga alam ang tawag..bakit korean..gusto ko lang..). Sa nakakaalam kung ano tawag dun.. sabihin nyo naman.. hahaha..

4) I missed our little project presentations.

Kahit na madalas ay di gumagana ang ilan.. naghihimala ang lahat at biglang nagiging ok na parang walang nangyari. That is called 'magic hands'. (Sana kaya ko pa rin yun ngayon..hehe.. Bata pa lang madaya na). There was someone na nagsabi sa amin "Nakakatuwa naman kayo magpresent, yung iba seryoso, kayo para lang nagkwekwentuhan". Saan ka naman kasi nakakita ng nagprepresent ng assignement sa isang electronic related subject kung saan sa bread board na nga nakalagay, may stick pa ng heart sa tabi at parang xmas ang LEDs.(Valentine's day kasi noon kaya may heart.. LOL)

5) I missed the time when we crossed the bridge on Ortigas

(di ko alam name nung road/bridge na yun.. basta yun yung sa malapit sa Greenhils at katapat ng Robinsons.. yung pinakamataas dun). It was exciting, parang walang defense na pinoproblema ( well, in my part yun yung nararamdaman ko ng time na yun, ewan ko sa kanila.. basta ako kumakain ng biscuit nun..:p ). Nakikita ko pa kung paano kami naging parang allergic sa mga MMDA noon. Mag-drive ba naman kasi kahit coding ang van, di ba exciting. (bata pa lang, sumusuway na sa batas).

6) I remember the time when we're on an overnight.

Everyone was cramming for the defense (refer to item 4..:p). Di ko maalala yung reason, but we suddenly discuss sa ibang groups na kami ay nag-swiswimming. Overnight swimming ito, sa tabi ng pool may laptop kung saan kami gumagawa ng para sa defense sa networking... that is the set up. Take note "Set-Up". In short palabas lang namin yun, bakit.. wala lang. The funny thing is may kumagat sa joke namin.. nang-inggit kasi kami..LOL


How I miss those times where in life was as easy and exciting as our presentations. Yung tipong, your best is enough to keep the world rotating... haay... sarap maging student ulit.

1 comment: