LAST NIGHT WHILE I SLEEP (August 24, 2011)

Gusto ko lang i-share yung panaginip ko kagabi. Natutuwang-natatawa kasi ako. Paki-interpret na lang kung sinung marunong. LOL


I had two dreams last night. The first one happens in a beach resort (pero wala akong nakitang beach or water man lang, basta alam ko naka-trunks ako! ewan ko pero natatawa ako!). The second one was in a house that looks like a model from an 80's (parang old white vacation house).



THE BEACH RESORT DREAM

Honestly, I can't remember yung exact details. All I know is that I'm with my college classmates pero ang natatandaan ko lang na nandun ay si [MANGO]. Andun din ata si [MIREI], [CHONA] at si [MARSY], at meron pang iba pero di ko na babanggitin.

Now the best part is ito. Sa katapat na cottage are students from the same university as I am. Taga gusaling Voltes-V sila, mahuhulaan mo ba course nila? hehehe.. Tama! Accounting students nga sila! Paano ko nalaman, kasi andun din sina [DISH-WASHING LIQUID] at [JADE]. Ang masaya noon, di kasama ni [DISH-WASHING LIQUID] ang boyfriend nya na may napakahabang pangalan (3-words ata name ng ungas na yun, at name pa lang yun).

Mas astig pa nun, after a few minutes, may lumabas na isang girl dun sa isang cottage pa. Itago natin ang pangalan nya sa [JELAY - ANG TINDERA NG PECHAY], na classmate ko naman nuong ako ay elementary (Grade 4 ata ako nun). Actually, noon pa man crush ko na sya kasi mala-"anghel" talaga ang itsura nya.

So anong masaya sa dream na ito bukod sa naka-trunks lang ako?! Well, yung apat na babaeng gusto ko ay nandun sa same place kung nasan ako, hulaan nyo na lang kung sino sa mga nabanggit sa taas, pito sila eh. LOL.

Then after lumabas ni [JELAY - ANG TINDERA NG PECHAY], bigla na lang ako nagising dahil sa nature call. So bumangon ako at pumunta sa CR...tapos na ang dream.


THE OLD WHITE HOUSE

After ko pumunta sa CR at bumalik sa higaan para matulog.. panibagong dream naman ang nangyari. Sa panaginip na ito, mejo umaambon. Pero maraming tao sa white house. Tapos may naglalaro sa labas ng pasahang bola. Weird nuon is lahat sila naka-white rin. Actually pati ako naka-white rin. Ngayon may isang babaeng sumali sa laro (as usual naka-white rin sya). Kilala ko uli yung girl na sumali.. itago natin sya sa pangalang [CHINa].

Si [CHINa] ay classmate ko din nung elementary. Maganda din sya tulad ni [JELAY - ANG TINDERA NG PECHAY], only that she's morena ang mejo chinita unlike ni [JELAY - ANG TINDERA NG PECHAY] na mukhang koreana. Bakit ko siya dinedescribe? kasi crush ko din sya noon.. hahahaha...

After nya sumali, sumali din ako sa game. Kaya lang sira na yung bola nila. Ang weird kasi ng bola na ginagamit nila, pakwan. Kaya yun, nabasag. So ako naman, I offered some help. At yun ang ikinagulat ko!

Naglabas ako ng Kalabasa na kulay green. Mas malaki ito sa pakwan. Ang mas malupit pa nun, nilabas ko ito mula sa bulsa ng shorts ko!... at yun nga ang ginawa naming bola!

Nung sisipain ko na si kalabasa, bigla ako ginising ng nanay ko, ala-sais na pala so ibig sabihin kailangan ko na magready papasok. Mejo napasarap ang tulog ko eh.. ikaw ba naman managinip ng ganun di ba?!




Ngayon, ano masasabi mo sa dream ko? Ano kaya meaning nito? At mahuhulaan mo ba mga real name ng mga nabanggit na tao? LOL...


0 comments:

Post a Comment