I Fell In Love For Five Minutes -- Then It Ends...

Share lang sa nangyaring nakakatuwa kagabi...

I was in Makati last night, sa Chino Roces (formerly Pasong Tamo) corner Yakal Street, pauwi na ako noon.

Pagsakay ko sa jeep, agad kong napansin ang isang babae.


Napakaganda ng kanyang mata... hindi maamo, lumiliyab ito at nangungusap..
Sunod kong napagmasdan ang kanyang mukha.. iba sa pangkaraniwan.. mala-anghel sya pero mukhang palaban...
Nagawi ang aking mata sa kanyang mapupulang labi habang siya'y nagsasalita.. ang kanyang tinig ay napakaganda... sobrang ganda... isang magandang musika...

Hanggang sa namalayan ko na lang na tapos na ang byahe at kailangan ng bumaba... limang minuto lang ang tagal ng paglalakbay na ito.. pero ang ngiti nya ay tumatak sa aking isipan..

Pagbaba nya, narinig kong parehas ang lugar na aming pupuntahan... sa Delpan din daw sya bababa... naisip ko... may extension pa ang limang minuto...

Sumakay na ko sa jeep, byaheng San Andres.. at mukhang dun din sasakay ang anghel na aking nasilayan...

Ngunit, datapatwat, subalit -- bakit?!.... nagsalita ang kanyang kasamang kaibigan... oo, may kasama syang epal na animalistic na demonyolistic na kaibigan... at nagsabing, "Girl dun na lang tayo sa kabilang jeep, pa-Herran ako eh...para sabay tayo..."

At habang nakahinto pa ang jeep na aking sinasakyan...
habang naghihintay ng pasahero ang jeepney driver na pacman...
hinabol ko na lang ng tingin ang sasakyan na kung saan sya ay lulan..
patungo sa Herran...
kung saan bababa sya sa Delpan... ( #rhyme )

Nung ako'y makarating sa Delpan.. wala na ang magandang binibini na aking nasilayan... wala na.. wala na..

tapos na ang limang minuto... back to reality na uli...

7 comments:

  1. haha. parang HS lang? kras-krasan? ganun?

    ReplyDelete
  2. hahahah.. oo parang ganun.. LOL...

    natawa ako sa term na "kras-krasan"... :))

    ReplyDelete
  3. ayun oh! inlababo naba yan..destiny kasi nag rhyme? hehe..sana mkita mo ulit siya..Goodluck!

    ReplyDelete
  4. sana nga magkita kami uli.. hahahaha.. para masaya!

    ReplyDelete
  5. Inlab ang koya! :)) si koyang programmer, inlab! :))

    ReplyDelete
  6. yes eiron! dapat instalk mo na hahaha

    ReplyDelete
  7. eh biwsit kasi yung kasama nya eh.. saka di ko alam kung san na sya.. :p

    ReplyDelete