Day 548 022012 ~ My Own Way

Day 348 ~ My Own Way
For four years after ko makagraduate, kahit paano marami na akong natutunan.

mga bagay na dati ay takot akong gawin...
mga bagay na dati ay di ko kaya...

you hold your own steering wheel sabi nila,
walang ibang pwedeng maki-alam sa kung san mo direksyon gusto tumungo..

talagang minsan may masasaktan..
at minsan may mga taong kailangan mong hindian..
mas matindi kung kailangan mo sila iwan...
dahil sa bandang huli..
isang tanong lang naman ang mamumutawi..

naging masaya ka ba?

bakit, kung sasama ka ba sa kanila dahil lang sa ayaw mo sila masaktan -- tingin mo, maeenjoy mo ba ang buhay?
kung ipipilit mong walang magtampo.. masasabi mo bang tama ang naging desisyon mo?
kung lagi mong iplaplano ang direksyon mo... makukuha mo ba ang bagay na hinahanap mo?


sa akin simple lang --

masaktan ang masasaktan.. isang bagay yan na mahirap iwasan..
piliin mo di lang ang bagay na makakabuti sa lahat kundi pati ang bagay na TOTOONG magpapasaya sayo...
harapin mo ang ngayon at kalimutan ang kahapon at bukas...

di ko man sinasabing tama ang paniniwala ko..
ang sakin lang.. gagawin ko kung ano ang trip ko...

0 comments:

Post a Comment