Day 925 030513 ~ Pangako

hiningan mo ako ng pangako..
pangakong walang magbabago..
pangakong di sinasadyang nasira..
pangakong parte na lang ng kahapon..

nagbago ka gaya ng panahon..
sabay ng pagbabago ng kabihasnan..
sabay ng takbo ng sasakyan sa lansangan..
sabay ng paglimot mo sa nakaraan..

nagbago ang lahat liban sa akin..
nagbago at ako'y naiwan..
naiwang di ganap ang patutunguhan..
naiwang mag-isa at walang alam..

1 comment:

  1. Overthinker PalaboyMarch 5, 2013 at 7:51 PM

    bakit naman kasi hindi ka sumali sa fad nung ang lahat ay nagbago? ikaw tuloy ang naiwan. :P

    ReplyDelete