Para Sa'yo Aking Lobo

Wala akong planong mahulog.
Ang tanging nais ko ay makipag-usap.
Maghanap ng kausap -- isang simpleng kausap.

Nagkilala tayo.
Nagkapalagayan.
Tumagal ng tatlong taon
Ang walang kwenta nating usapan..

Wala sa sulat ng tadhana..
Na tayo'y magkakilala..
Wala sa ayos ng bituin..
Na tayo'y mahulog sa isa't isa..

Pero nangyari na ang nangyari.
Ang nangyaring hindi dapat mangyari.

At alam nating pareho..
Na darating ang oras..
Na kailangan tapusin..
Ang kahibangang wala ring pupuntahan..

Kaya heto..
Kailangan magpaalam..
Paalam na walang dahilan..
Paalam na walang katiyakan..

Wala akong planong mahulog.
Ang tanging nais ko ay makipag-usap.
Maghanap ng kausap -- isang simpleng kausap.

0 comments:

Post a Comment