Day 377 090211 ~ Same Shit, Different Day



Maging masaya sa tinatamasa mo ngayong kaligayahan...
Dahil lahat yan ay iyong pinagsumikapan...
Lahat ng yan ay iyong nakamtan..
Matapos mong malugmok sa suliraning iyong dinaanan..

At lagi mong tatandaan... na sa panahong ikaw ay nahihirapan...
Ngiti at dasal lang ang iyong kinasangkapan...
Pamilya ang iyong naging sandigan...
Naging matatag sa pakikipaglaban...

Paninira at tsismis ng kapwa ay wag pakinggan..
Dahil sila ngayon ay iyong tignan...
Di ba sila ngayon ang gumagapang..
Habang ikaw ay pangiti-ngiti na lang...

Ganyan ang buhay ng tao...
Madalas talaga sobrang gulo...
Kailangan lang ika'y matuto...
At wag na wag mang-agrabyado...


*Ang tulang ito ay bigla ko lang naisip matapos kong makita ang mga FB status ko last year... ang panahong ako'y lugmuk na lugmok na naging dahilan din para mabuo ang blog na ito...


Nagpapasalamat na lang ako at ngayon.. full blast na ang ngiti ko :)

** Ang akdang ito ay bigla kong naisipang isali sa pa-contest ni L na Same Shit, Different Day

8 comments:

  1. lol inlab ka ba at full blast ang ngiti mo? ikaw na ang tumutula.

    anu ba istorya sa likod ng tula na yan. parang may pinaghugutan ka na sa kabila ng lahat lahat ay pasitib ka pa din? tsismoso lang (kahit sabi mo ang tsismis ay wag pakinggan. lol).

    ReplyDelete
  2. hahaha.. mahabang storya pero sige dahil nagtanong ka kwekwento ko! hahaha

    kita ko kasi sa FB yung wall post ko exactly a year ago (so same day talaga.. hehe).. doon ko naalala na during this time last year super financial problem ang meron sa family... yun din reason kung bakit nabuo ang blog na ito as outlet ko.. tapos yung mga bwisit na kapit-bahay, grabe mang-api... at sobra makapang-insulto... at dahil mababait kami, bingi-bingihan mode na lang..

    after one year, eto bawing-bawi na... happy na ulit.. at yung mga bwisit na kapitbahay na namin ang naghihirap ngayon, kaya pilit sila nagpapakabait sa amin ngayon kasi kami na ang ok at sila na ang hindi... so I guess ang buhay talaga ay parang gulong :p

    so yun ang reason ko para sa post na ito...hehe.. haba ng comment ko :)

    ReplyDelete
  3. weh gnun b un???? prang d nmn hehe

    ReplyDelete
  4. di ka lang spam.. kontra ka pa lagi.. heheh...

    magblog ka na nga rin para may na-aaway din ako... ikaw na lang lagi nang-aaway eh.. hahah

    ReplyDelete
  5. ang daming aspekto ng SSDD para sa isang maikling tula na kagaya nito.. mahusay pare.. good luck sa ating lahat.. hehehe

    ReplyDelete
  6. tama... yakapin na lang ang lahat ng blessings... at isipin na lang lahat ay blessings!

    ReplyDelete
  7. nicely said.. ibig lang sabihin, hindi lahat ng SSDD ay masama.. it's how you look at it that makes it good or bad.. :)

    salamat sa pagbasa joyo.

    ReplyDelete
  8. it's how you see things that makes a SSDD different.. siguro optimistic lang talaga ako...

    ReplyDelete