Day 426 102111 ~ Kahapon - Ngayon - Bukas

KAHAPON.....

Nagawa kong ipunin lahat ng lakas ng loob ko...
Nagawa kong itapon ang lahat ng takot ko...
Hinarap ko na sya...
Ang katotohanang matagal ko nang tinatakbuhan...
Ang katotohanang nais kong kalimutan...
Ang bagay na mag-iisang dekada ko ng dala-dala...
Ang bagay na sa akin ay matagal ng gumagapos...
Bagay na nagpaguho sa mundo kong binubuo...

Muli ay nakahanap ako ng taong babago ng kinabukasan ko..
At muli ay pinapili nya ako -- isusuko mo ba ang ngayon para bukas o isusuko mo ang bukas para sa ngayon?


....

Nanatili ako sa desisyon ko...
Panghahawakan ko kung ano man ang meron ako, pero sisiguraduhin ko na makukuha ko ang bukas na kinakailangan ko...
Hindi ko alam kung tama ito..
Ang alam ko -- Hindi ko magagawa ang bukas na yun, kung wala ang tulong ng ngayon
Pero....
Natatakot pa rin ako....


NGAYON....

Heto ako, balik sa normal..
Parang walang nangyari...
Pero sa oras na ito...
Iba na ang takbo ng buhay ko...
Sa oras na ito...
Muli ay susubok ako na buuin ang nasira kong mundo...
"Bahala na si Batman.. Isama mo na rin si Superman.."
Basta ang alam ko, nasimulan ko na ito -- at ngayon, tatapusin ko na ito...

Kailangan kong seryosohin ito ngayon..
Ilang buwan lang ng pagtitiis..
Baka sakali, mangyari ang milagrong inaasam ko...


BUKAS....

Ano kaya ang naghihintay?

2 comments:

  1. Isama mo narin si wonder woman..

    .....at sabay tayong haharap sa walang hanggang bukas at kapalaran!

    Nice! Nakakahawa ang pagiging poetic mo pre! hehe

    ReplyDelete