Day 433 102811 ~ Wedding Ring - Part II

Well, I know that it's too early para magpost ako ng daily status ko, pero kasi kung di ko i-popost ngayon baka makalimutan ko yung script -- kaya heto na nga ang story. (Yup, story mode muna tayo and halt muna tayo with a few liner quote -- TRUE STORY ito and fresh na fresh a few minutes ago)

This morning, pagbaba ko sa Katipunan Station ng LRT2, nakita ko ang isang kabarkada, and so we had this little conversation habang nagmamadali dahil kapwa na kami late:


Me: (I walk at her side and said) Uy, late ka na naman

Her: Uy din, jan ka pa rin ba nagwowork? -- ay syempre andito ka eh (Habang naghahalungkat sya ng bag para hanapin ang LRT ticket nya)

Me: Oo, eh ikaw?

Her: OO din, pero may plan na ko magresign.

Me: Ay ganun, pero wag naman sana ngayon, mahirap maghanap ng work pag December

Her: Syempre hindi, next year -- para new year, new life, new job

Me: Sa bagay...

Her: Uy, kinasal na si [JADE] ah.

Me: Yeah, nakita ko nga

Her: Bakit di ka pumunta?

Me: Di ko alam eh

Her: Sa bagay, ako rin, nalaman ko lang two weeks before ng kasal eh. Di ba obvious sa pictures na ako lang hindi naka violet (mukhang violet kasi yung theme ng wedding)

Me: Ako nga nalaman ko lang kay mama eh, so ayun sinilip ko sa Facebook

Her: Pano nalaman ng nanay mo?

Me: Malay ko. Si mama pa.

Her: So... ano naramdaman mo?

Me: Wala

Her: Huh?

Me: Anung huh? eh sa wala eh

Her: Eh di ba may something sa inyo before?

Me: Huh?

Her: Di ba before? -- mga 9 years ago

Me: 9 years ka jan.. wala pang 9 years yun

Her: Eh di ba 4 years college tapos 4 years of work ... ay oo nga 8 years lang. *tawa*

Me: Malay ko, count ko is 7 years, 5 years college 3 years work -- ay oo nga 8 nga... *tawa rin*

Her: So ano?

Me: Anung ano? late ka na kita kits na lang uli *sabay naghiwalay na kami papuntang work*




Ngayon ang tanong: anu nga ba naramdaman ko nung malaman ko? Actually meron eh.. napapost pa nga ako noon sa blog ko -- eto oh

Heto lang naman yun eh, nung panahong nalaman ko from Facebook ang nangyari, naramdaman ko lang naman na ganun na pala katagal.. na hindi na ko bata. at higit sa lahat -- dapat nagplaplano na ko ng future ko.

Yun lang.. wala ng iba.. past is past... marami na nangyari at nagbago sa loob ng 8 years.. nga lang --

If ever na lang sana na may ikakasal uli na someone special to me at nagkataon na hindi ako yung groom -- sana lang, as in SANA lang, sabihan mo naman ako kahit kaplasticang invitation lang. At least, di man ako pumunta, nalaman ko na naalala mo ko

-- The End --

3 comments: