Hang-Tanga Lang (I)

PROLOGO

Naranasan mo na ba sa buhay mo ang maging center of attention? Yung pakiramdam na sa'yong sa'yo lang ang spotlight at feeling star ka wala nga lang ningning? O'di kaya'y nakasaksik ka ng mga pangyayaring daig pa ang shooting sa mga eksena at walang panama ang mga viral videos sa youtube? Tipong hindi mo alam ang dapat mong reaksyon o minsan hindi sinasadya eh nakapag-react ka na ng todo bago mo pa ma-realize na hindi pala dapat.


Matapos ang "Lihim ni Pooh", muli naming hahandugan ang mga masusugid naming mangbabasa dito sa WaKweKwe ng isa na namang makatotohanang serye ng buhay. Ibabahagi namin ang mga eksena sa buhay na tunay namang nakakaloka, nakakabaliw, nakakagigil, nakakaasar! Punong puno ng katangahan.

TAKE 1


Sabi nila matatalino daw ang nag-aaral sa mga state universities, iskolar ng bayan pa nga ang tawag nila. Parang hindi naman, sa state university kasi ako nag-aral, siguro nga matalino ako pero mas tanggap ng isip ko na mahirap ako kaya kelangan magsunog ng kilay para makapasok sa libreng unibersidad. Isa siguro sa pinakamasasaya araw ko ang pagpasok sa kolehiyo kasama ang mga kaklaseng halimaw sa galing at talino. Sila ang mga pag-asa ng katulad ko pagdating ng homework at exams. Meron akong kaibigang kaklase na talaga namang hanga ako sa galing, itago na lang natin sya sa pangalang Budoy. Sabi nga nya nitong makailan lang "Hindi pa naman ako pinapahiya ng utak ko". Astigin! Pero ang totoo marami-raming panahon rin na ang matalino katulad niya ay punong-puno rin ng katangahan at kalokohan. Ang mababasa ninyo ay isa lang sa maraming kakatuwang katangahan ng kaibigan kong to.

Dahil state university, lagi kaming yakag sa halos lahat ng okasyon sa loob ng mahal naming lungsod. Ang totoo kami ang pamparami ng audience. Ang masama nga lang madalas na alay-lakad patungo sa venue ang gawain namin. Lakad pa-grandstand sa Luneta, lakad sa Plaza Miranda sa Quiapo at iba pa. Ang hindi ko malilimutan eh ang paglalakad nga namin patungo sa Quaipo, hindi ko na maalala kung anong okasyon ang dinaluhan namin. Naglakad kami mula Intramuros at dumaan sa Lawton. Tawanan at masaya kaming nagkukwentuhan hindi ramdam ang pagod at init. Etong si Budoy ay nasa gitna ko at ng isa pang kaklase. Sige lakad at tawa. Dumistansya kami ng isa kong kaklase palayo dahil sa isang signboard na nakaharang sa daraanan. Ayun si Budoy sapul na sapul sa signboard na kung tutuusin ay sapat ang laki para makita at higit sa lahat yung ibang dumaan yumuko at sa ilalim dumaan pero sobrang aliw nya ay hindi nya napansin, o kung napansin man nya huli na ang lahat, badtrip na deceleration at inertia yan.


At dahil tunay kaming kaibigan ...  tumawa kami na halos sumakit ang tyan at maiyak-iyak hanggang sa makarating sa Quiapo. Mas lalo pa siguro kaming tumawa kesa ang mag-alala ng lumitaw na ang bukol nya sa noo. Hang-Tanga lang!
Ang mapahiya ay hindi biro pero kung dulot ay halakhak sa iba, pwede na rin siguro ang paminsan-minsan.


(Kung kilala n'yo po si Budoy, maari n'yong ibulgar sa comment, hehehe!)


Originally from Wakwekwe

0 comments:

Post a Comment