Bakit nga ba may Cleaners?
Simple lang ang sagot, dahil sa libre ka nag-aaral sa mga pampublikong paaralan ay kailangan mo tumulong na panatilihin ang kalinisan dito. Ang di ko lang magets, para saan ang binabayarang janitors na ang sweldo ay hango sa mga tax na nalikom sa mga magulang ng bata? hehehe...Sino ba ang Nagiging Cleaners?
Ang pagiging cleaners ay base sa iba't ibang bagay tulad ng sumusunod:- Letra ng Apelyido
- Row na Kinauupuan
- Find your Height
Ano ang Ginagawa ng Cleaners?
Though the word Cleaner defines kung ano talaga ang ginagawa nila, maari mo pa ring iclassify ang mga trabaho ng cleaners, which is:- Magbura ng blackboard na sinulatan ni Mam at Ser - madalas ay nagkaka-an-an ang gumagawa nito
- Nagwawalis ng sahig mula row 1 to 4
- Nag-flo-floor wax ng sahig ng buong classroom
- Nagbubunot after mag-floor wax - madalas umuuwi silang pula ang damit
- Nag-aayos ng upuan just to make sure na pantay-pantay sila
- Nag-checheck ng mga upuan kung may nakasingit na plastic ng candy - malas mo kung may bubble gum pa itong kasama
Excuse Pag-Cleaner
Kahit na sabihing per schedule ang pagiging cleaner, marami pa rin ang ayaw na ayaw itong ginagawa. Nagreresulta ito sa pagtakas ng estudyante at gumagamit sila ng iba't ibang excuses para lang makauwi kaagad. Halimbawa:- Masama ang pakiramdam
- Pinapauwi ng maaga ng magulang dahil may emergency
- May group studies
Usually, sinasabayan itong ng mga katagang "Bukas na lang ako maglilinis".
Sa aking pananaw, hindi kumpleto ang iyong pagkabata kung di mo naranasan o narinig man lamang ang kakatwang pang-aaliping ito sa mga estudyante ng pampublikong paaralan.. aminin mo, isa ito sa mga bagay na ayaw na ayaw mo ng balikan sa pagiging bata... :p
Ngayon ang tanong naging Cleaner ka na ba?
Originally from Wakwekwe.
0 comments:
Post a Comment