Anong Theme Song ng Childhood Mo?

Minsan din tayo naging mga bata. At malamang ay naranasan mong maglaro sa lansangan kasama ang ilang mga kaibigan at para kayong mga tanga na mag-uumpuk-umpukan para maglaro.


Karamihan sa laro noon ay sinasaliwan ng mga magagarang chant o awitin na talagang nakaka-LSS. Heto ang ilan sa kanila, at kung alam mo ang tono ng bawat kantang nakalista rito ay malamang nalaro mo na ito!

So paramihan ng alam oh! GAME!

Tagu-taguan Chant (Hide and Seek)

Tagu-taguan

Tagu-taguan,
Maliwanag ang buwan
Pag bilang kong tatlo nakatago na kayo..
Isa.. Dalawa.. Tatlo..
Game?

Mata-mata-mataya-taya

Mata-mata-mataya-taya,
Alis ka na dyan.. ALIS!
*sabay tulak*

Langit Lupa Chant (Heaven and Earth)

Langit Lupa (image from fiction life)

Langit, Lupa, Impyerno
Im-im-impyerno..
Saksak puso, tulo ang dugo..
Patay, buhay..
Alis ka na diyan! Alis..
*tulak ulit*

Monkey-monkey

Monkey-monkey, Annabelle..
Mahal mo ba si Gabby, Yes or No?
*answer*
(if yes) Y-E-S
(if no) N-O

Fruit Salad Song

Watermelon, watermelon,
Papaya, papaya
Pinya, pinya, pinya (2x)
Fruit Salad, Fruit Salad
*kadalasang sinasaliwan ito ng body movement*

Selecta Magnolia Song

Ang Selecta at Magnolia ay parehas ng tunog..
Kaya wala namang bumibili..
Alam mo ba tunog nila pag dumadaan sa bahay nyo? :)

Chikading Song

May sampung chikading na dumapo sa sanga,
Lumipad ang isa, Syam ang natira.


May syam na chikading na dumapo sa sanga,
Lumipad ang isa, walo ang natira.


*song goes on until...*


May isang chikading na dumapo sa sanga,
Lumipad ang isa, wala na natira.

Palaka Song

Bilug-bilog, bilugan
Assignment-assignment, suntukan..
Ayun si palaka sya'y nakakaawa,
Abukaka, abukaka, syang palaka

Hala sige kanta pa! Ilan ba jan ang alam mo ang tono? Kasi kung naka eight points ka -- malamang, matanda ka na! :D


Originally from Wakwekwe

0 comments:

Post a Comment