Lihim ni Pooh (I)

YUGTO I: UNANG HILAB . . .

... Sigaw ko sa aking isip "Hindi ko na kaya, lalabas na!" Bahala na, bumaba ako ng jeep pigil na pigil wag mailabas ang itinatago.

(sa pagpapatuloy . . . )

Pinilit ko kumalma at mag-isip ng mga solusyon. Una, maaari kong lakarin ang kanto ng Niog kung nasaan ang Jollibee pero may kalayuan pa eto at sigurado akong maaabutan ako sa daan. Pangalawa, maari akong sumakay pabalik kung saan mabilis ang daloy ng trapiko, pero tulad ng una, sa kalkula ko hindi na ako aabutin pa at higit sa lahat mas ramdam ko ang pagpupumiglas sa sistema ko sa alog ng sasakyan.

Nakakita ako ng talahiban, Oo... sumagi talaga sa isip ko ang talahiban higit na mabuti kesa magkalat ng lagim sa daan at pagpiestahan ng mga pasahero. Hindi sa ganitong paraan ko gusto magkaroon ng viral video sa youtube.

Tumingin-tingin ako sa paligid, naglakad-lakad, napakaunti ng kabahayan. Pero sa bawat kaunting paggalaw ko halos makaramdam ako ng fireworks.

Kruuuuk... krrruuuuk... eto na ang ikinatatakot ko, parang buntis na sumabog na ang panubigan at lalabas na ang sanggol. Pakapalan na ng mukha, sa unang bahay na may bakuran na natapatan ko mahinahon akong sumigaw ng "Tao po! Tao po!" Isang matandang lalaki ang nakaupo sa loob ng bakuran ang natanaw ko, nagbabasa eto ng dyaryo at nakikinig ng balita sa radyo na sa kamalasan ay malakas kaya hindi nya ako marinig. Sasabog na, idinaan ko sa malakas na sigaw ang nararamdaman "TAO PO!! TAO PO!!". Pinatay ng matandang lalaki ang radyo at lumapit sa akin.

Manong: "Ano yun ine?"
Ako: "Masakit po kasi tyan ko, hindi ko na po kaya... "

Hindi ko pa man naitutuloy ang gusto kong sabihin ay dali-dali nya na akong pinapasok ni tatay hanggang sa loob ng bahay, Itinuro nya sa akin ang palikuran. Nadaanan kong nanonood ng TV ang isang dalagita na sa tingin ko ay anak nya, nagtataka siguro siya sa hindi kilalang babaeng nasa bahay nila, hindi ko na rin nagawa pang bumati dahil lalong nasabik ang mga bagay sa loob ng tyan ko ng matanaw ang CR, halos mag-unahan dumungaw sa likuran ko.

"Salamat po Papa Jesus!" nasambit ko sa sarili habang pinakakawalan ang mga bagay na halos kumuha ng katinuan ko. Pakiramdam ko nakaranas ako ng isang himala at si tatay ay si Papa Jesus na nagkatawang tao para sagipin ako. Nasaan ang Justice League nung mga panahong iyon?

Kinatok ako ni tatay nagtatanong kung okey lang ako dahil matagal-tagal din ako sa loob ng CR. Inilabas ko
kasi sa pinakahuling patak. Paglabas ko inalok pa ako ni tatay na kumain ng almusal dahil namumutla daw ako pero sinabi ko na kelangan ko pang pumasok at nagpasalamat ng marami sa kanya.

Malayo sa hinaka ko na darating ang panahon na mangangatok ako sa hindi kilalang tahanan upang makigamit ng CR. Pero mas mabuti matutong kapalan ang pagmumukha paminsan-minsan sa mga hindi inaasahang pagkakataon. Nagpapasalamat rin ako na mabuting tao ang nakatok ko nung umagang iyon. At higit sa lahat, mas ipinasasalamat ko na hindi ko kinailangan ang talihaban.

Ngunit tulad ng sinabi ko naging isang karamdaman na eto. Hilingin ko man na maging una't huling karanasan na eto, nabigo ako. Tuso si Pooh. . . Muli niya akong dinalaw sa hindi inaasahang pagkakataon . . .



Abangan . . .
YUGTO II: IKATLONG PALAPAG . . .

0 comments:

Post a Comment